Philippines  |  Family Law

Legal Question

Asked on: 7/09/13, 8:52 pm

hi atty, isasangguni ko lang po sa inio ang kaso na ito. ako po ay inabandona ng tatay ko sa nanay ko. kasal po sila, 26 y/o na po ako ngayon.. matagal na panahon hinanap po namin ang tatay ko pero sadya po ata talagang kapag nagtatago hindi mo makikita. nang kamakailan po ay may nakapag bigay sa amin ng address at info tungkol sa kanya, nagulat ako ng aking pasadahan sa tinutuluyan nia, may asawa at anak na po sia doon. at ng icheck po namin ang isa sa properties nila ng nanay ko ay naibenta na nia ng walang pirma ng nanay ko. matagal na po silang hiwalay pero ang nanay ko po ay di lumipat ng tirahan, dun pa din sia nakatira sa bahay nila, ang tatay ko po nagpakalayo layo at nagtago.. di ko po alam kung sa tagal at nakapagpaksal na sila massabi pa bang lehitimo ang kasal nila. at kung magfafile po ako, san ako magsisimula. di ko po alam ang gagawin, kung saan ako kukonsulta. wala po kaming pera at tanging habol lang namin ay hustisya sa ginawa sa amin ng tatay ko pati sa mga ariarian na naibenta nia ng walang pahintulot ng nanay ko. mraming salamat po sa tugon ninyo. san ako dapat magsimula??

1 Answer


Answered on: 7/10/13, 8:32 am by VOLTAIRE T. DUANO

Mademanda ka ng violation ng RA 9262 Violence Against Women and Their Children. Ang pagiwan na ginawa ng tatay mo at hindi pagbigay ng supporta sa nanay mo at sa inyo ay psychological violence at economic violence na matatawag ito. Kung naibenta niya ang property nila maari mo siyang pawalang bisa base lamang sa share ng nanay mo. Pumunta ka sa PAO para maasistehan libre naman ang abogado ng PAO.


Did you find this answer helpful?

0 Users found this answer helpful.

0 Attorneys agree with this answer.


VOLTAIRE T. DUANO LAW OFFICE 9th Floor Suit 9N Future Point Plaza 3 No. 111 Panay Avenue, South Triangle, Que Quezon City, 1103

Other answers from this attorney

Didn't find what you were looking for? Ask an Attorney!

Get answers from the top Attorneys
Ask Question

209 Answers given in the last few hours.

8662 Active attorneys ready to answer your question

Search Past Answers:
  Advanced Search